A no label relationship
No label relationship gives you an opportunity to know the person well and both of you are able to have a mutual understanding in a commitment then you proceed to the next level of relationship which is making it formal. -rtd
Ang daming may hindi gusto o against sa no label relationship because we tend to assume, we tend to fall in love first. Mas inuuna natin mahulog sa good morning goodnight o sa pagpapaalala nila kung kumain ka na ba. Hindi dapat ganon. Kung nasa no label relationship ka you have an advantage to mirror your partners move. Na makuha kung ano yung binibigay mo/niya. Kung di ka niya minessage? Wag mo din siya imessage. Kung sinabihan kang kumain ka na, edi go itanong mo din kung kumain na siya. Alam mo yun? You have to test the water first. Magsisimula ka lang masaktan at ma disappoint pag masyado ka ng umaasa. Don’t put too much hope on that. Hindi lahat nag susuccess sa no label relationship, but if you do pwede kang makakita ng totoong kaligayahan dun. Kasi imagine this, if you’re in a no label relationship you have the means of not making it formal but if you both agree to make it formal ibig sabihin may something special. At hindi dahil sa kinilig o napasaya ka ng tao, ispesyal na yun sayo. No that’s not how it works.
Dapat sa ganitong relationship, you’re strong and alam mo yung worth mo bilang tao. You have to make sure na you yourself is complete. Kasi sa ganung paraan hindi mo iaaasa yung kaligayahan mo sa isang tao. Kung iniwan ka o umalis yung tao na yun sayo, by all means wala kang pakielam kasi nga alam mo yung value mo as a person. Hawak mo yung sarili mo, and most importantly you know what you bring, you know what you value. Alam mo yung dinadala mong value into a relationship kaya bakit ka matatakot maiwan? Kung karamihan ganung klase ng mentality ang meron, hindi ka gabi gabing nagiisip. Hindi ka maaapektuhan ng sobra kung may ibang tao na siyang kausap kasi alam mo sa sarili mong kaya mo maging masaya ng mag isa, ng hindi siya kinakailangan. You know that you yourself alone is a happy individual and you don’t need someone to make you happy.
No label relationship is an opportunity for you to really get to know the person. You will only truly know a person if you give him a knife. Anong gagawin niya dun? Will he stab you with it or will he make food and make you happy with it? And one more advantage is mas makikilala mo siya. Yes makikilala mo rin ang tao if you’re in a labeled relationship but, let’s not forget that when you’re both in a committed relationship there will be restrictions.
No label relationship is not a waste of time. Mas makikita at malalaman mo kung ano yung mga bagay na mapagkakasunduan niyo sa hindi. Kasi ngayon parang ang bilis nalang pumasok ng dalawang tao sa isang relasyon na parang hindi napag iisipang mabuti. Everybody should make a relationship with someone, sacred. Because being in a relationship is like marriage. Hindi pwedeng susubukan mo magpakasal sa isang tao just to see if it would work. That’s not how it works. Kung magpapakasal ka sa isang tao, ibig sabihin sigurado ka na sakanya katulad ng pakikipag relasyon.
A waste of time is that when you put yourself in a relationship up to years and it didn’t work out. That’s a waste of time.